Mga Kagamitan sa Pag-aaral ng Ekonomiks

Sa pag-aaral ng  ekonomiks maraming kagamitan ang kailangan upang ito ay higit na mas maunawaan.

May mga kagamitan na kailangan kapag nag-aaral ng ekonomiks kagaya na lamang ng grap,iskedyul at kurba,bakit nga ba kailangan pa ng mga ganong kagamitan pag nag-aaral ng ekonomiks? Para saakin,kaya may mga ganong kagamitan ay dahil para mas madali na makuha ng mga tao ang tungkol sa ekonomiks dahil ang ekonomiks ang napakalawak na pag-aaral dahil halos buong mundo ay pinag-aaralan dito sa ekonomiks ewan ko nalang kung hindi sumabog utak ng mga tao kung wala yung mga ganong kagamitan lalo na’t ang mga tao ay laging gusto yung kung saan sila mapapadali na kung saan ay mali kagaya nalang sa pagkain gusto lagi instant foods and fast foods kaya anong nangyayari madali ding nawawala ang kanilang buhay na kung saan ay dapat hindi natin ginugusto ang mga madadali at sabi nga din diba ang mga bagay na madali mong makuha ay madali ding mawawala kaya dapat ay matuto din tayo maghirap kagaya nalang sa grades hindi mo makukuha ang grade na 95 kung pa-easy easy ka lang dapat paghirapan mo yon para makuha,kagaya nalang sa ekonomiks mahirap malaman ang bawat detalye ng bawat problema o ng bawat bagay kaya pinaghihirapan din at nalless lng ito dahil may tulong na nagagawa sa pamamagitan ng mga kagamitang iyon.

Ayun po ang opinyon ko para sa lesson na ito.HAHAHA

Introduksiyon

Sa araw-araw na pamumuhay ng tao marami siyang nakakasalamuhang tao at mga pangyayari at mga suliranin sa gusto man natin o hindi ang suliranin palagi lang yan nandyan hindi natin maiiwasan dahil hindi tayo perpekto kaya kahit saan ang suliranin ay laging nandyan at ang pagpapasiya din ay laging nandiyan,kaya dito rin sa pagpapasiya ng isang tao nalalaman ang kagustuhan at kailangan ng tao.

Para saakin,ang ekonomiks .ay ang ito yung ginagawa nating pag-aaral sa buhay ng isang tao at tungkol sa pangangasiwa ng pangkabuhayan ng isang tao.Ang ekonomiks daw ay galing sa salitang Griyego na “oikos at nomos” na ang ibig sabihin ng oikos ay sambahayan at ang nomos naman ay pamamahal na kung saan ang ibig sabihin ng ekonomiks ang pamamahala ng sambahayan.Mayroong dalawang uri ng pagpili ang una ay opportunity benefit na ibig sabihin ay halaga ng pagkakataon na nakamit sa ginawang pagpili na kung saan ang ating ginawang pagpili ay may naidulot na maganda sa ating buhay,Samantalang ang  opportunity cost naman ay ang pagpili na kung saan gusto lang natin masatisfy ang sarili natin kaya natin ito pinili at ito ay hindi naman gaano ka importante.Sa ekonomiks marami talaga akong natutunan lalo na yung mga pinagsasabi nila Quesnay na ang hihirap bigkasin ng mga pangalan nila jusko nasabi din sa ekonomiks na dapat matuto tayo na ang kailangan ang mas inuuna dahil kung palagi ang gusto inuuna hindi ito magdudulot ng maganda sa atin.

Kalagayang Pang-ekonomiya ng Pilipinas sa iba’t-ibang panahon

Ang ating mga sinaunang ninuno ay namuhay sa pamamagitan ng pangangahoy at natutunan din nila na mangaso at mangisda pati na rin ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop.Ang mga bagay na iyon ay ang kanilang mga pinagkukuhanan ng mga kanilang pangangailan sa araw-araw.

Ang lipunang barangay ay galing sa salitang balangay na kung saan ang ibig sabihin ay isang sasakyang pandagat,ang lipunang barangay ay binubuo ng 30 hanggang 100 na katao at ito ay pinamumunuan ng isang datu.Sa lipunang barangay ang datu ang may pinakamataas na kapangyarihan,sumunod ang maharlika,ang timawa at ang panghuli ay ang mga alipin.May dalawang uri ang mga alipin ang unang uri ng alipin ay aliping namamahay kung saan sa nakatataaas sa lipunan sila naglilingkod at maari silang magkaroon ng sariling tirahan.Ang mga aliping saguguilid naman ay wala silang karapatan na magkaroon ng sariling tirahan. May rason kung bakit nagiging alipin ang isang tao maaring natalo o nabihag sa digmaan ng mga tribu,maari ring ipinanganak na silang alipin  o kaya naman ay naparusahan sa nagawang krimen o kaya naman hindi nakapagbayad ng utang.May iba’t-ibang tawag sa mga barangay noon tulad ng Sa-Ilud  na kung saan malapit sa bukana ng mga ilog at Sa-raya o Ilaya  nasa gawing itaas ng bundok at looban ng ilog o look.Ang sistemang barter naman ang paraan ng pakikipagkalakalan ng mga ninuno sa bawat barangay.

Sa panahon ng espanyol,Umiral ang sistemang reduccion na kung saan pinakilala ng mga Espanyol ang sistemang reduccion na pumuputol sa ugnayan ng mga barangay sa isang pamayanan upang maging isang pueblo. Ginamit na istratehiya ng mga mananakop ang paraang ito upang maging madali para sa Espanyol ang pagkontrol sa mga Filipino sapagkat napapaliit nito ang bilang ng tao, at pinag-iisa ang magkakahiwalay at magkalayong pamayanan upang makapagtatag ng isang bayan.Ang sistemang encomienda  ay pinamumunuan ng isang encomendero  na kung saan dito sapilitang pinagtatrabaho ang ating mga ninuno.Ang sistemang hacienda naman ay ang pangangasiwa sa mga lupain na ang layunin ay ang pagtatanim ng mga produktong panluwas lamang.Sa pamamagitan ng Homestead Act ng 1924, naging letihimo ang pagkamkam ng mga Amerikano sa mga lupain ng mga katutubong Pilipino. Ang batas ding ito ang nagbigay-daan upang mapadali ang transaksyon ng paglilipat ng pangalan ng mga Espanyol sa mga titulo ng lupa na pag-aari ng mga katutubo.Tinawag ang paraang ito na Torrens Title. Dahil dito, hindi naibalik sa mga katutubo ang mga nakamkam na lupain sa kanila.Naging malaya rin ang mga Amerikano sa pagpasok ng kanilang mga kalakal o produkto sa bansa. Dahil dito, tumindi ang pagkiling ng mga Pilipino sa mga produktong imported kaya hindi nili napa unlad ang mga lokal ng produkto. Lumawig pa ang ganitong pangyayari nang maisabatas ang Paynr-Aldrich Act ng 1909. Dahil nain ng mga Amerikano na pangasiwaan ang mga pinag-kukunang yaman ng Pilipino, ipinagtibay ang Parity Rights.
Sa pamamagitan nito, nagkaroon noon ng pantay ng karapatan ang mga Pilipino at Amerikano sa paglinang at pagmamayari ng mga likas na yaman ng bansa.Sa Panahon ng mga Hapones pinaigting ng mga hapones ang pagiging makabayan ng mga Pilipino. 

Mahalagang Konsepto sa Ekonomiks

Ang bawat isang tao ay mga pangagailangan at mayroon din namang gusto lamang kahit hindi naman kinakailangan talaga basta lang ma satisfy lang ang sarili.Sa bawat bagay na meron tayo o bawat bagay na mga mangyayari dapat iniisip muna natin kung ano talaga ang ipaprayoridad natin kung saan, ito talaga yung kinakailangan talaga ng isang tao o ng mga mamayan.

May dalawang konsepto ang ekonomiks na dapat maunawaan nang mabuti ng bawat tao.Ang unang konsepto ay ang walang hanggang pangangailangang materyal ng tao,lipunan at institusyon.Mayroong walang hanggang pangangailangan ang tao habang siya ay nabubuhay simula ng siya ay sinilang ay kailangan niya na ito kagaya ng pagkain,damit,bahay,tubig at marami pang iba.

Mayroong dalawang uri ng pangangailangan ang bawat tao ang una ay ang pangunahing pangangailangan at ang pangalawa naman ay sekundaryang pangangailangan. Kagaya nga ng sabi ko kanina mayroong habang buhay na pangagailangan ang tao simula noong pinanganak palang siya na kung saan pumapasok ito sa pangunahing pangangailangan na kung saan ito ay ang mga pagkain,tirahan at damit, ito ay ating mga kailangan sa ating pang-araw-araw dahil kung wala ang mga bagay na ito hindi tayo makakatagal na mamuhay dito sa mundo.Ang sekundaryang pangangailangan naman ay ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan,edukasyon,at seguridad sa pamumuhay ito rin naman ay importante at kailangan natin sa ating buhay ngunit kung sa prayoridad ito ay pangalawa lamang dahil nauuna pa din ang mas importante dapat ang pagkakaroon ng sekundaryang pangangailangan ay kung baga sa tawagin ay “add-on” na lamang.Ang mga tao din naman ay may kagustuhan na kung saan ang mga bagay na ito ay hindi naman talagang kinakailangan pero gusto lang ng isang tao na masatisfy ang sarili o di kaya naman ay maki-uso,kagaya na lamang ng mga materyal na cellphone,tablet,ipad,computer,mga alahas sa katawan at marami pang iba, pero may mga kagustuhang bagay din naman na nakakatulong kagaya na lamang ng cellphone nakakatulong ito sa mga tao na makapagkomunikasyon sa mga kamag-anak man o kaibigan na malalayo sa kanilang tabi.Mayroon ding paglilingkod na pangangailangan ang mga tao ang halimbawa nito ay ang pagpapagupit,paglilinis ng kuko,paghihingi ng payo sa mga ekspertong doktor at iba pa.Mayroon din namang luho ang bawat tao na kung saan ang mga ito ang pagpunta sa mga spa,salon,pagpapacosmetic surgery at paghahanap ng magtuturo sa pageehersisyo.Ang mga institusyon din naman ay may mga pangangailangang materyal, tulad nalang ng pamahalaan,paaralan at simbahan.Ang mga ito rin ay mga kagamitang ginagamit ng bawat isang tao.

Ang kakapusan o scarcity ay isang kalagayan at suliraning dulot ng walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.Ito ay ang  kalagayan na kung saan ay hindi na maaring tugunan pa kahit kalian man.Ang kakulangan o shortage naman ay isang kalagayan na maari pang mapunan.Ang alokasyon naman ay ang wastong pangangasiwa at pamamahagi ng mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang pangangailangan ng tao at lipunan.Mayroong dalawang uri ng pagpili sa lipunan upang maunawaan ang konsepto ng alokasyon.Ang unang pagpili ay ang indibidwal na pagpili na kung saan tumutukoy ito sa pagsusuri ng ginagawang pagpasiya ng isang ao at kompanya o industriya.Ang pangalawa naman ay ang panlipunang pagpili na kung saan ang pagpapasya ay tumutugon sa pangangailangan ng lipunan.May tatlong batayang upang maging isang epektibo at mahusay ang isang alokasyon,Ang una ay dapat muna alamin kung ano ang gagawin na produkto o serbisyo,pangalawa naman ay kung paano gagawin ang produkoto o serbisyo,at panghuli kung para kanino ang produkto at serbisyo na gagawin.May tatlong uri ng ekonomiya ang mga ito ay ang tradisyonal na ekonomiya,ekonomiyang pamilihan,at pinaghalong ekonomiya.

Ang bawat konsepto ng ekonomiks ay dapat nating pinapahalagahan.

Ang aking natutunan sa Ekonomiks

Sa ekonomiks marami pa tayong matutunan sa buong paligid natin tungkol sa mga pangkabuhayan ng tao,sa edukasyon ng bawat isang tao at ang pag-aangkat ng isang bansa sa isa pang bansa.Sa araling panlipunan dn madami tayong tutunan kagaya ng para sa future ng bawat isa kapag nagkaroon na ng sariling pamilya ang bawat isa.

Sa ekonomiks natutunan ko na pag dating ng tamang panahon na mayroon na akong sariling pamilya hindi dapat mag-anak ng mag-anak dahil nakakadagdag to sa pag taas ng populasyon wisdom din naman ng tao dapat hindi mag-anak ng madami lalo na kung alam mong hindi mo matutustusan ang bawat pangangailangan ng anak mo,kahit naman may sapat kang pang tustos sa pangangailang ng anak mo pero hindi mo parin sila maalagaan dahil sa sobrang kabusyhan mo sa trabaho wag ka  pa din mag-anak ng madami pinapalaki mo lang ang populasyon ng PIlipinas.

Sa agham natutunan ko dito ang pagpapatunay ng mga nasa likod ng mga haka-haka o hypothesis.Ang agham-panlipunan naman pinag-aaralan dito ay tungkol sa pag-aaral ng bawat isang tao at sa ating lipunan na pinapalibutan.Ang positibong ekonomiks naman ay ang nagpapaliwanag kung ano ang nangyari at nakita sa ekonomiya pero walang sinuman ang nagbigay ng opinyon dito.Samantalang ang normatibong ekonomiks naman ay ang pagbibigay ng sarili mong opinyon para sa mangyayari sa ekonomiya.Ang pangkalahatang katotohanan isang natatanging pangayari sa ekonomiks.Ang Katotohanang nararanasan ay kung saan ang nararanasan ng isang tao ay kaagad-agad pinapaniwalaan.Sa agham napag-aaralan din ang natural science kung saan nakapaloob ang biology,physics,at chemistry.Sa exact science naman ang nakapaloob dito ay ang tugma at eksaktong pagsagot sa mga abstraktong tanong.

Marami talga akong natutunan sa aming subject na ekonomiks na dapat panghawakan para pag dating ng tamang panahon alam na kung ano ang gagawin.